^

Probinsiya

Bus salpok sa arko: 41 sakay sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bus salpok sa arko: 41 sakay sugatan
Sa inisyal na ulat ng San Fernando City Police, kabilang sa mga nasugatan ay ang driver at konduktor ng bus na nahirapang maialis sa pagkakaipit sa nasabing sasakyan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Apatnapu’t isa katao ang sugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa isang welcome arch sa kahabaan ng Naguilian Road ng Sitio Bilision, Poblacion ng Burgos, La Union kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng San Fernando City Police, kabilang sa mga nasugatan ay ang driver at konduktor ng bus na nahirapang maialis sa pagkakaipit sa nasabing sasakyan.

Ang mga biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang bumabagtas bandang alas-6:30 ng gabi ang nasabing pampasaherong bus sa kahabaan ng nasabing lugar nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver kung saan tuluy-tuloy nitong sinalpok ang “welcome ark”.

Ang nasabing bus ay galing Baguio City at patungo sa kabisera ng San Fernando City nang mangyari ang sakuna.

Mabilis namang nagresponde ang mga rescuer at isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with