^

Probinsiya

NEPPO nagpadala ng karagdagang pulis sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Pinalakas ng pulisya ang puwersang panseguridad nito sa ika-4 distrito ng Nueva Ecija habang papalapit ang araw ng botohan para sa 2025 midterm elections.

Hindi man ibinunyag ni Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) director, Col. Ferdinand Germino ang bilang ng tropa na ipinadala sa nasabing mga lugar ay “malaki-laking bilang umano ito”, ayon sa nakalap na impormasyon ng PSN, “dahil umano sa tumataas na tensyon sa lugar”.

Ang ipinadalang mga tauhan ay magsisilbi bilang quick reaction team (QRT) ng pulisya sa ika-4 na distrito ay binubuo ng lungsod ng Gapan at mga bayan ng Cabiao, San Antonio, Jaen, San Leonardo, Peñaranda, at General Tinio.

Sinabi ni Germino na ang tropa ay nagmula sa ilang yunit na kinabibilangan ng 21st Special Action Company, 1st Provincial Mobile Field Company at ng 304th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 3.

Ang seremonya ng pagpapadala ay isinagawa sa Jaen PS, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng deployment nito.

“Ang inisyatibang ito ay naglalayong pahusa­yin ang mga kakayahan sa pagpapatupad ng batas ng mga lungsod at munisipalidad sa Distrito 4 at palakasin ang kanilang kapasidad na tumugon sa mga umuusbong na alalahanin sa seguridad, habang nag­hahanda para sa parating na halalan,” sabi ni Germino.

ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with