^

Probinsiya

2 bangkay na nakagapos nadiskubre sa Rizal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa kalsada ng isang concerned citizen sa San Mateo, Rizal nitong Biyernes ng hapon.

Inilarawan ang mga biktima ang isa na may taas 5’2-5’4, nasa 30-40 ang edad; at ang isa ay may taas na 5’3-5’6, may edad sa pagitan ng 30-35.

Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ng isang naglalakad sa kalsada sa Phase 4, Monterey Hills Lower side, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal ang dalawang bangkay na kapwa nakagapos patalikod ang mga kamay.

Nasa state of decomposition na ang mga bangkay na pinaniniwalaang itinapon lang sa nasabing lugar at posibleng sa ibang lugar pinatay.

Walang nakakakilala sa mga biktima sa lugar dahil hindi umano residente ang dalawa roon.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with