^

Probinsiya

100 magsasaka sa South Luzon, sasailalim sa farmer’s training ng SM Foundation

Pilipino Star Ngayon
100 magsasaka sa South Luzon, sasailalim sa farmer’s training ng SM Foundation
Inilunsad ng SM Foundation ang Kabalikat sa Kabuhayan sa San Juan, Batangas, kung saan 100 magsasaka ang sasabak sa 14-linggong training sa modernong pagsasaka.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inilunsad ng SM Foundation ang Kabalikat sa Kabuhayan sa San Juan, Batangas, kung saan 100 magsasaka ang sasabak sa 14-linggong training sa modernong pagsasaka.

Layunin ng natu­rang farming program na paigtingin ang kaa­laman ng mga kalahok sa orga­nikong pagsasaka, crop rotation, at climate-resilient techniques. Kabilang din sa pagsasanay ang financial literacy, bookkeeping, at marketing upang suportahan ang pagpapatayo ng kani-kanilang kabuhayan sa bukid.

Bahagi rin ng programa ang pagbabahagi ng Life Principles ni SM Group founder Henry Sy, Sr. upang bigyang inspirasyon at praktikal na gabay ang mga kalahok sa kanilang personal at propes­yonal na pag-unlad.

Matapos ang Batangas, inaasahang ilulunsad rin ang KSK program sa Lucena City, Quezon, at Camarines Sur.

Mahigit 30,000 na magsasaka na ang nagtapos sa programa mula nang ito’y simulan, ma­rami sa kanila ay naging seasonal suppliers ng SM Group, local markets, at nagtitinda sa SM Weekend Market.

SM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with