^

Probinsiya

53% sa Batangas, iboboto nagsusulong na maayos ang kuryente sa lalawigan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 53 percent ng mga botante sa Batangas ang nagsabing iboboto ang kandidatong nagsusulong na maayos ang power supply sa naturang lalawigan, batay sa latest survey ng Capstone Intel Corporation na ginawa nitong Marso.

Sa naturang survey, neutral naman ang 41% sa isyu at 6% ay nagsabing hindi boboto. Lumabas din ang dissatisfaction ng mga taga-Batangas sa electricity service provider na BATELEC 1 at BATELEC 2.

Ang survey ay ginawa sa lahat ng 34 cities at municipalities ng Batangas sa 1,200 respondents.

Nasa 62% ang dumanas ng 1-2 outages kada buwan at ang iba ay higit pa sa 10 outages.

Sa mga consu­mers na sineserbisyuhan ng BATELEC 2, nasa 93% ang dumanas ng multiple interruptions at 81% na sinerbisyuhan ng BATELEC 1 ay nagsabing ganito rin ang kanilang karanasan.

Ang brownouts ay karaniwan umanong nasa 1-2 oras at ang iba ay higit pa sa tatlong oras.

“These findings underscore a widening gap in electricity service across the province,” ayon kay Dr. Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone-Intel sa press conference kahapon sa Quezon City.

“Reliable electricity is not just a convenience—it’s a prerequisite for economic growth and quality of life,” sabi ni David.

Sa consumer sa­tisfaction, sinabing ang BATELEC 1 at BATELEC 2 ay pawang may below average disatisfaction rating. Ang Batelec 1 ay nakakuha ng 3.96 at ang BATELEC 2 ay nakakuha ng 3.90.

May nakararami namang residente ang nagsabing nais lumipat sa mas maayos at reliable na electric service provider.

Noong 2023 nagpaliwanag naman ang Batelec 2 management na ang pagkawala ng suplay ng kuryente ay dahil sa mga kalamidad.                                                                                                

BATELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with