2 bata sugatan sa landslide sa Quezon
MAUBAN, Quezon, Philippines — Dalawang bata ang iniulat na nasaktan sa landslide na naganap sa Sitio Dulasan, Barangay San Lorenzo, ng bayang ito kamakalawa.
Pansamatalang hindi pinangalanan ang mga biktima na ang isa ay nagtamo ng head injury, na ngayon ay nasa ICU sa Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City at ang isa ay may abrasion sa kaliwang paa.
Nakikipag-ugnayan na ang LGU sa DPWH 1st District Engineering Office para sa agarang aksyon.
Pansamantalang hindi pinadadaanan ang bahagi ng kalsada kung saan naganap ang landslide na inaalam pa ang dahilan gayung wala namang naganap na pag-ulan.
- Latest