^

Probinsiya

Tatlong drug dealer arestado sa P2.3 milyong shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Tatlong drug dealer arestado sa P2.3 milyong shabu
Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 ang P2.3 milyon na halaga ng shabu na nasamsam mula sa tatlong dealers na nalambat sa Pagadian City nitong Miyerkules.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tatlong drug dealer kabilang ang isang babae ang naaresto sa isang buy-bust operation ng mga otoridad at nasamsam ang nasa P2.3 milyon shabu sa Barangay Tiguma sa Pagadian City nitong hapon ng Miyerkules.

Hindi na pumalag ang tatlong suspects, sina Kendaw Sabal Lintongan, ang babaeng si Nor-ain Canda Lintongan, parehong mga taga Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Ma­guindanao del Norte, at Mojahid Canda Tanondong, taga-Barangay Tapodoc sa Labangan, Zamboanga del Sur, ng arestuhin ng mga PDEA-9 agents na kanilang nabentahan ng P2.3 million na halaga ng shabu sa Barangay Tiguma sa Pagadian City.

Sa ulat nitong Huwebes ni Maharani Gadaoni Tosoc-director ng PDEA-9, nasa kustodiya na nila ang tatlong suspects, sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Gadaoni-Tosoc kanilang naikasa ang naturang matagumpay na entrapment ­operation sa tulong ng mga units ng Pagadian City Police Office at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with