Mayor ng Rizal, Cagayan tinodas sa kampanya

MANILA, Philippines — Patay ang incumbent Mayor ng Rizal, Cagayan nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek habang nangangampanya kamakalawa ng gabi Brgy. Illuru, Rizal Cagayan habang dalawa pang indibiduwal ang nadamay.
Idineklarang dead-on- arrival sa Tuao District Hospital si Mayor Atty. Joel Ruma na re-electionist sa halalan sa Mayo.
Nadamay din sa pamamaril sina Merson Abiguebel at Melanie Talay na sugatan.
Batay sa inisyal na ulat, bandang alas-9:30 ng gabi nitong Miyerkules nang pagbabarilin ang nasabing alkalde sa loob ng gymnasium ng Brgy Iluru.
Samantala, agarang nagsagawa ng hot pursuit operations ang buong hanay ng kapulisan sa pangunguna ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO).
“Mariin naming kinokondena ang karahasang ito, lalo na sa panahong tayo ay naghahanda para sa mapayapang halalan 2025. Hindi kami titigil hangga’t hindi namin naibibigay ang hustisya para sa mga biktima. Nanawagan kami sa publiko na makipagtulungan sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng anumang impormasyon na makatutulong sa kaso,” ani PRO2 Director Brig. Gen. Antonio Marallag Jr.
Ang bayan ng Rizal, Cagayan ay kabilang sa mga election hot spots.
- Latest