^

Probinsiya

3 lalaki niratrat, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 lalaki niratrat, todas
Sa report ni P/Col. James Mangili, Provincial Director ng Kalinga Police, ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan malapit sa tahanan ng isang opisyal ng Barangay sa Purok 7, Brgy. San Julian ng bayang ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong lalaki makaraang bistayin ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa naganap na karahasan sa Brgy. San Julian, Tabuk City, Kalinga nitong Huwebes ng umaga.

Sa report ni P/Col. James Mangili, Provincial Director ng Kalinga Police, ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan malapit sa tahanan ng isang opisyal ng Barangay sa Purok 7, Brgy. San Julian ng bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang magkakaanak na sina Santos Calsiyao, Tokar Calsiyao at Leo Palat Calsiao; pawang dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Base sa imbestigasyon, narinig ng mga residente sa lugar ang mga putok ng baril sa pagitan ng alas-6:30 hanggang alas-7:00 ng umaga malapit sa tahanan ni Brgy. Kagawad Cleve Duma­nguing alyas Banatao, miyembro ng tribong Biga .

Narekober naman sa tabi ng katawan ng mga biktima ang dalawang M16 rifles at isang shotgun.

Sa teorya ng mga otoridad, alitan sa tribo ang isa sa mga sinisilip na anggulo sa nangya­ring krimen.

Kinondena naman ni Mangili ang krimen kasabay ng pagapela sa pamilya ng mga biktima na huwag mag-ubusan ng lahi o mag­resbakan at hayaan ang mga awtoridad na gawin ang kanilang trabaho.

TABUK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with