Sundalong rider patay sa bangga
CALAUAG, QUEZON, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang miyembro ng Philippine Army matapos na sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka nabangga ang ulo ng kasalubong na Isuzu Elf Van sa Maharlika highway na sakop ng Barangay Sta. Maria sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cpl. Ariel, 31, at residente ng Barangay San Roque Ilaya, Calauag Quezon.
Nasa kustodya ng pulisya ang driver ng sasakyang nakabangga sa biktima na si Gerardo, 62, ng Mercedes Cakarine Norte.
Base sa imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang isang Kawasaki GT motorcycle sa kahabaan ng Maharlika highway nang mawalan ito ng kontrol na naging sanhi upang sumemplang at tumilapon sa ilalim ng kasalubong na Manila bound Isuzu Elf Reefer Van na minamaneho ng suspek.
Dahil walang suot na helmet ay nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo ang biktima matapos na mabangga.
- Latest