Kuya binaril ng utol, dedbol
MANILA, Philippines — Patay sa mga tama ng bala sa ulo ang isang 30-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng kanyang nakakabatang kapatid nitong gabi ng Martes, April 22, 2025, sa Barangay Poblacion sa Talayan, Maguindanao del Sur.
Sa ulat ng mga barangay officials at ng lokal na pulisya nitong Miyerkules, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima, na si Joharie Dawi, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo na kanyang tinamo ng barilin ng ilang ulit ng kanyang 27-anyos na kapatid na si Phok.
Ayon sa mga imbestigador mula sa Talayan Municipal Police Station, matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid. Muli silang nagkasagutan nitong gabi ng Martes na nauwi sa pamamaril ni Phok sa kanyang kuya.
Tatlong basyo ng .45 caliber pistol ang natagpuan ng mga imbestigador at mga barangay officials sa kung saan naganap ang pamamaril kay Dawi ng kanyang kapatid.
- Latest