^

Probinsiya

Kelot binaril sa batok habang nagse-cellphone, tepok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang barilin sa likod ng ulo ng isang gunman habang abala sa paggamit ng cellphone sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilala lang sa alyas na ‘Michael,’ habang nakatakas naman ang ‘di pa kilalang salarin.

Sa ulat ng Antipolo City Police, nabatid na dakong alas-3:10 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Brgy. Sta. Cruz, sa Antipolo City.

Nauna rito, kasalukuyan umanong abala sa paggamit ng cellphone ang biktima nang bigla na lang lapitan ng salarin at kaagad na barilin sa batok.

Nang maisagawa ang krimen ay mabilis nang tumakas ang salarin lulan ng isang motorsiklo.

Nagsasagawa na ang mga otoridad ng masusing imbestigas­yon sa krimen upang maaresto at matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin, gayundin ang motibo nito sa pagpatay.

RIZAL

ANTIPOLO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with