^

Probinsiya

Ginang patay sa pagsagip sa sugatang aso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang 56-anyos na ginang matapos nitong tangkaing sagipin ang isang asong duguang nakahandusay sa gitna ng highway makaraan itong masagasaan ng isang rumaragasang van sa Brgy. Apopong, General Santos City ka­makalawa.

Kinilala ang nasa­wing ginang na si Nimesia Gavica, 56-anyos, residente ng Foremost Village ng lungsod na ito, isang empleyado ng lokal na pamahalaan at kilalang isang ‘animal lover.

Sa ulat ng General Santos City Police, nangyari ang insidente bandang alas-11:00 ng gabi sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Apopong ng lungsod na ito.

Base sa imbestigas­yon, kasalukuyang dumaraan sa lugar ang ginang na nagmamaneho ng motorsiklo ng makita nito na nakahandusay sa gitna ng highway ang isang duguang aso na hindi makalakad matapos itong masagasaan sa paa.

Pansamantalang huminto ang ginang sa tabi ng highway, bumaba ito sa motorsiklo saka nilapitan ang sugatang aso na plano nitong iligtas at dalhin sa veterinary clinic.

Gayunman, nasagasaan ang ginang ng isang humahagibis na van na napuruhan sa insidente na siya nitong agarang ikinamatay.

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with