^

Probinsiya

22-anyos todas sa bugbog ng ‘brass knuckles’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Pinagbintangang nandekwat ng damit…

MANILA, Philippines — Patay sa pambubugbog gamit ang isang “brass knuckles” ang isang ­22-anyos na lalaki na inakusahang nagnakaw ng mga damit ng dalawa nitong kamag-anak sa Brgy. Bata, Bacolod City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni P/Captain Rondyl Tapang ng Bacolod City Police Station 3 ang biktimang tinukoy lamang sa pangalang “Pao-Pao” ay binawian ng buhay sa isang hospital sa lungsod nitong Lunes.

Batay sa imbesti­gasyon, nag-ugat ang pambububugbog sa biktima gamit ang “brass knuckles” matapos pagbintangan ng isang alyas “Jessica,” 24-anyos na live-in partner ng kaniyang tiyuhin na ninakaw umano nito ang kanilang mga damit.

Ayon sa pahayag ng mga testigo, pinagtulungang gulpihin nina Jessa at 17-anyos nitong kapatid ang biktima na kanilang kapitbahay matapos siyang sugurin sa tahanan nito. Tinantanan lamang umano magkapatid sa suspek ang biktima dahil hindi na siya gumagalaw habang duguang nakalugmok.

Agad namang ­isinugod sa pagamutan ng iba pang kamag-anak ang biktima pero idineklara nang dead-on-arrival.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operations ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspect.

Nakakulong na si ­Jessica sa Bacolod City Police Station 3 habang nasa kustodya ng Department of Social Welfare and Development sa lungsod ang kapatid nito na isang menor-de-edad. Ang magkapatid ay nahaharap sa kasong homicide.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with