^

Probinsiya

Pumatay ng 2 estudyante sa Bulacan, kinasuhan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pormal nang sinampahan ng kaukulang kaso ng mga awtoridad ang isang ama na bumaril sa dalawang binatilyo sa isang coffee shop sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Abril 21 ng hapon.

Sa report, “2-counts of murder” ang isinampang kaso ng SJDM City Police sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Col. Edilmar Alviar laban sa suspek na si alyas “Randy”.

Nabatid din sa report na dawit din sa kaso ang asawa at anak ng suspek na nakita sa CCTV footage na umalis lulan ng motorsiklo, ilang segundo matapos ang pamamaril sa coffee shop.

Ayon sa report, habang nakaupo ang mga biktimang sina Rey Allen Nevado De Jose, 20, college student ng Brgy. Muzon East, at Jeric Castillo, 20, ng Brgy. San Isidro sa kapehan sa Brgy. Paradise 3, ay bumulaga sa kanila ang suspek na biglang bumunot ng baril at bigla silang pinagbabaril.

Dead-on-the-spot si Rey Allen habang dead-on-arrival si Jeric sa isang ospital sa kalapit na bayan.

Sa Facebook post na nag-viral, sinasabing napagmakalan ng suspek ang mga biktima na bumugbog sa kanyang anak na binatilyo.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang asawa at anak na kasamang tumakas ng suspek sa lugar.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with