1-day old beybi, inabandona ng ina
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —Kalunos-lunos ang sinapit ng isang sanggol makaraang iwanan na lamang ng kanyang ina sa nakaparadang kolong-kolong sa isang iskinita sa bayan ng Bulacan.
Sa Facebook post ng Sangguniang Barangay ng Bagumbayan na nag-viral, tinatayang isang araw na gulang lamang ang natagpuang sanggol na pinangalanang Hope Robes.
Nabatid na natagpuan ng isang nagngangalang Danilo bandang alas-4:00 ng madaling-araw ang sanggol sa isang nakaparadang kolong-kolong sa labas ng iskinita sa Jogging Road (Tomato Street), Brgy. Bagumbayan.
Base sa mga comments, may isang netizen ang nagsabing sa kalagitnaan ng gabi ay nakasalubong nila ang isang babaeng naka-facemask at nakasombrero na may dala-dalang sanggol ang kanilang pinaghihinalaang na nag-iwan dito.
Maraming netizen ang namuhi sa inang nag-iwan sa kanyang anak at may mga nagsabing nais nilang ampunin ang cute at mukhang malusog na babaeng sanggol.
Nanawagan ang kinauukulan, kung sino man ang may alam o impormasyon sa kamag-anak ng sanggol ay makipag-ugnayan kay Jazmin Navarro, social worker ng Bahay Sibol o tumawag sa 0992-663-8807.
- Latest