Hairdresser natagpuang naaagnas sa loob ng bahay
CAVITE, Philippines — Halos hindi na makilala dahil unti-unti nang naaagnas ang isang 47-anyos na hairdresser nang matagpuan sa loob ng bahay nito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Granados, bayan ng Gen. Mariano Alvarez.
Sa ulat ng pulisya, alas-8:10 ng gabi ng madiskubre ng mga kapitbahay nito ang biktima dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa tinitirahan nito.
Napag-alaman na huling nakitang buhay ang biktima Abril 19 ng umaga na kinilalang si Ernesto Rosal, alyas “Trixie,” 47 anyos, hairdresser, LGBT, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa pamilya ng biktima, may depresyon umano ito at bukod dito may konting karamdaman sa pag-iisip ang biktima.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng biktima.
- Latest