^

Probinsiya

Bangka nagliyab, sumabog: 8 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bangka nagliyab, sumabog: 8 sugatan
Ang nasunog na bangkang pangisda sa Gen. Santos City.
John Unson

MANILA, Philippines — Walong mangingisda ang malubhang nasugatan matapos na magliyab at sumabog ang kanilang bangkang pangisda sa Brgy. Calumpang, General Santos City nitong Martes.

Sa ulat, habang naghahanda na umano ang walong biktima para pumalaot sa karagatan ng Mati City sa Davao del Oriental nang biglang umapoy ang kanilang bangkang pangisda na F/V John Paul D, hanggang sa biglang sumabog na dahilan upang lahat sila ay mahagip ng apoy habang nasa deck ng bangka.

Kinilala ang mga biktima na sina Graciano Maglasang, Junard Canania, Ramil Abrigana, Sunny Dalhag, Jiel Sarajena, at magkakaanak na sina James, Jimmy at Jennifer Purog, na pawang nagtamo ng mga sugat at sunog sa sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Napinsala ang bangka dahil sa pagsabog, ayon sa mga lokal na opisyales sa nasabing lungsod.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Police Regional Office-12, Bureau of Fire Protection-12 at Philippine Coast Guard sa General Santos City sa insidente.

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with