^

Probinsiya

‘Graduation toga payagan na, tradisyon igalang’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Graduation toga payagan na, tradisyon igalang’
Rep. Alfred Delos Santos
STAR/File

Dahil sa pampapahiya sa estudyante

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos ang lahat ng paaralan na payagan ang pagsusuot ng graduating attire gaya ng “toga” partikular sa malalayong lugar tulad sa Antique na naka­suot ng toga na itinuturing na simbolo ng ipinagmamalaki at minsanang pangyayari sa buhay ng mga estudyante at kanilang mga pamilya.

Ang panawagan ng Delos Santos ay kasunod sa ginawang pagpapahiya ng isang school principal ng Colonel Ruperto Abellon National School sa Laua-an, Antique sa isang estudyante na pinaalis ang nakasuot ng toga sa ginaganap na graduation ceremony na hindi umano tumutupad sa itinakdang kasuotan.

Sanhi nito, kumalat ang reaksiyon sa social media mula sa dismayadong magulang at estudyante hinggil pagpapahiya ng principal sa pagpapatupad ng alintuntunin sa gitna ng masaya at minsanan na masayang pangyayari sa kanilang buhay. Kaya nanawagan si Alfred Delos Santos, kinatawan ng Ang Probinsyano Party List, para sa isang mas makatao at sensitibo sa kultura na polisiya sa mga kasuotan sa seremonya ng pagtatapos.”

“Ang graduation ay mahalagang kaganapan sa buhay ng ating mga kabataan at kanilang pamilya. Dugo’t pawis ang ibinuhos ng mga estudyante at magulang upang maabot ang espesyal na araw na ito. Ito ay panahon ng selebrasyon at hindi paghihigpit para magpatupad ng mga patakarang makasisira lamang sa kasiyahan at selebrasyon ng kanilang tagumpay,” aniya.

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi ipinagbabawal ng guidelines ang paggamit ng toga. Alinsunod sa itinakda ng DepEd Order No. 9, s. 2023, na muling iniulit ng DepEd Memorandum No. 027, s. 2025 sa pagsasabing: “Casual or formal wear, or school uniform, shall remain as the recommended mo­ving up or graduation attire. Toga or “sablay” can be worn as an additional garb.”

Ayon kay Delos Santos na habang itinatagu­yod ng patakaran ang pagi­ging simple at inclusi­vity, hindi dapat kasama sa implementasyon ang exclusion, panghihiya o pagkabagabag sa mga estud­yante.

GRADUATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with