Disqualification isinampa vs mayoralty candidate ng Silang
Solo parents ginawang katawa-tawa sa kampanya
CAVITE, Philippines — Nadagdagan na naman ang mga kasong kinakaharap ng mayoralty candidate ng bayan ng Silang matapos siyang sampahan ng Solo Parents Partylist hinggil sa diumano’y hindi makatao at ginawang katawa-tawa ang mga solo parents sa isang campaign rally nito.
Disqualification sa kanyang kandidatura ang inihaing kaso ng Solo Parents Partylist na nireprisinta nina Honne Lucas at Ma. Dahlia Sevilla sa Commission on Elections (Comelec) kahapon laban kay Atty. Alston Kevin Anarna, kandidato sa pagkaalkalde ng Silang, Cavite.
Sa official statement ng Solo Parents Partylist, mariin nilang kinondena ang mga binitiwang pananalita ni Anarna sa kanyang campaign rally makaraang gawing katawa-tawa ang mga solo parents.
Sa eksaktong binitiwan nito sa kaniyang talumpati, sinabi nitong “Sino dito ang mga solo parents? Bakit parang dumami ang solo parents? Kaso lahat ng solo parents bibigyan natin ng libreng asawa. Ang gagawin natin lahat ng balong lalake at lahat ng balong babae ira-raffle na lang natin ‘yun ha pasensyahan na lang kayo kung kanino kayo mapupunta kaso pagkabunot ng pangalan n’yo, diretso kasal kay Mayor Kevin.”
- Latest