Lady official ng NCIP itinumba sa opisina!

COTABATO CITY, Philippines — Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang babaeng opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP)-9 matapos pasukin ng tatlong armadong lalaki at pagbabarilin sa loob ng kanilang tanggapan sa Isabela City, Basilan nitong umaga ng Lunes.
Sa hiwalay na pahayag ng mga local officials at imbestigador ng Isabela City Police Station, mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa 37-anyos na si Czarina Mae Malun, residente ng Barangay Aguada sa Isabela City.
Ayon sa mga saksi, may tatlong lalaking pumasok sa Isabela City NCIP-9 Office sa Barangay Tabuk at agad na pinagbabaril si Malun na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Ayon sa pulisya at Army intelligence units sa Basilan, walang indikasyon na may kinalaman sa pulitika ang pagkakapatay kay Malun, na isang masipag na empleyado ng NCIP-9.
Nagtutulungan ang mga imbestigador at intelligence agents ng Isabela City police force at Basilan Provincial Police Office, na sakop ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sa pagkilala sa mga pumatay kay Malun upang agad na masampahan ng kaukulang kaso.
- Latest