^

Probinsiya

Misis patay sa pagkalunod sa ilog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Misis patay sa pagkalunod sa ilog
Dead-on-arrival na sa Army Station Hospital ang biktimang si Froilyn Requillas ng Tanay, Rizal sanhi nang pagkalunod.
File

Overnight swimming ng Easter Sunday

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis nang malunod matapos na mag-overnight swimming ng mga kaanak sa isang ilog sa Tanay, Rizal nitong Easter Sunday.

Dead-on-arrival na sa Army Station Hospital ang biktimang si Froilyn Requillas ng Tanay, Rizal sanhi nang pagkalunod.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Tanay Municipal Police Station na dakong alas-6:00 ng umaga ng Abril 20 nang maganap ang insidente sa Daraitan River, sa Brgy. Daraitan, sa Tanay.

Bago ang trahedya ay nagkayayaan umano ang biktima at kanilang mga kaanak na mag-swimming ng overnight sa Daraitan River. Gayunman, pagsapit umano ng alas-5:00 ng umaga ay naisipan ng biktima na maligo sa ilog.

Laking gulat na lang umano ng mga kaanak nito nang matapos ang isang oras ay makita ang biktima na walang malay at palutang-lutang na sa ilog. Kaagad nilang iniahon ang biktima at binigyan ng CPR saka isinugod sa pagamutan subalit idinekla­rang patay ng mga doktor.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with