^

Probinsiya

6 sasakyan inararo ng truck: 3 dedo, 14 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
6 sasakyan inararo ng truck: 3 dedo, 14 sugatan
Map of Zamboanga City.
Wikimedia

COTABATO CITY, Philippines — Tatlo ang patay at 14 na iba pa ang sugatan matapos na araruin ng isang 10-wheeler delive­ry­ truck ng isang cargo forwarding firm ang anim na sasakyan sa Barangay Pag-asa sa Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong umaga ng Sabado de Gloria.

Kinumpirma ng Dumalinao Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police office kamakalawa ang pagkasawi sa aksidente ng driver ng Nissan Navarra pick-up truck na si Edgar, 50-anyos, isang babaeng sakay ng trike na si Lolita, 76-anyos, at si Rene, 50-anyos, dispatcher ng pampasaherong sasakyan na nakapila sa gilid ng highway.

Nawalan diumano ng kontrol ang driver ng delivery truck dahil sa mechanical trouble kaya ito nagawi sa gilid ng highway at nabangga isa-isa ang anim na sasakyan na kinabibilangan ng Nissan Navarra pick-up truck, Isuzu minivan, Isuzu light truck, isang motorsiklong Yamaha Mio at dalawang trike.

Lumihis ang truck na nawalan ng preno sa gilid ng highway matapos araruhin ang anim na sasakyan at lumagpak sa malalim na gilid ng highway, malapit sa isang ilog na may tulay sa ibabaw.

Ayon sa mga mga lokal na kinauukulan, malubha ang ilan sa 14 katao na biktima ng aksidente na naisugod sa pagamutan, kung saan isa sa kanila ay Grade school pupil na nasa maselang kalagayan.

DUMALINAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with