^

Probinsiya

5 patay sa road mishaps sa Quezon

Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Lima katao kabilang ang isang mag-ina ang kumpirmadong patay sa nangyaring aksidente sa lansangan sa tatlong bayan sa lalawigan ng Quezon, ka­makalawa ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Batay sa ulat ni QPPO Director PCol. Ruben La­cuesta, bandang alas-4:30 ng hapon nang maganap ang unang insidente sa Barangay Madlandungan Calauag, Quezon. Binabagtas umano ng Manila bound na Yutong Bus ang highway nang salpukin ito ng kasalubong na Toyota Vios.

Dahil sa lakas ng banggaan, nayupi ang kotse na agad ikinamatay

ng nagmamaneho nito na si “James”, 34, at sakay na hindi nakuha ang pangalan.

Hindi naman umabot ng buhay sa ospital si “Ann”, 26, at ang kanyang 5-anyos na anak na lalaki na kapwa mga residente ng Barangay Putol, Dolores Quezon matapos na bumangga ang kanilang sinasak­yang Rusi motorcycle sa isang poste ng kuryente.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Ann ang nasabing motorsiklo at ang­kas ang anak, ang live-in partner na si Joseph, 33, at kapatid na si Riza, 45 nang mawalan ito ng kontrol sa manibela habang binabagtas ang pakurbadang kalye sa Barangay Putol, Dolores, Quezon dakong alas-4:30 ng hapon.

Dahil walang suot na helmet ang mag-ina ay kapwa bumagok ang kanilang ulo sa kalye sanhi upang sila ay malagutan ng hininga habang ang kinakasama at kapatid ay nilalapatan ng lunas sa isang ospital sa San Pablo City.

Namatay naman agad ang estudyanteng si “Pio”, 18, nang sumalpok sa kasalubong na Jam Liner Bus sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, ­Quezon, ang minamaneho nitong Honda TMX motorcycle bandang alas-9:15 ng gabi.

Nasa kustodya ng Sariaya Police ang driver ng bus ba nahaharap sa kaukulang reklamo.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with