^

Probinsiya

Trike galing outing tumaob: Senglot na lady driver patay, 8 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagtatapos ng masayang outing ng isang magkakaanak matapos na masawi ang babaeng driver habang walo pa ang malubhang nasu­gatan kabilang ang isang 9-buwang gulang na beybi nang tumaob ang sinasakyang tricycle habang papauwi na, kamakalawa ng hapon sa Davilan Road, Brgy. Lantic, Carmona City.

Kinilala ng Carmona City Police ang nasawi na si Kristeta Ramos, 49-anyos at residente ng Brgy. Langkiwa, Biñan City, Laguna.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:35 ng hapon habang bumabagtas ang tricycle na may plate number DO35859 at minamaneho ni Ramos, sakay ang walo katao nang maganap ang aksidente.

Habang papauwi na ang mga biktima galing sa outing sa Paligawan Matanda River sa Barangay Lantic, Carmona, at bumabagtas sa nasabing lugar nang pumalya ang preno ng tricycle pagsapit nila sa pababa at pakurbang kalsada.

Dahil sa bigat ng mga sakay ng tricycle, hindi na nakontrol ni Ramos ang sasakyan kung kaya tumaob ito ng ilang beses. Tumilapon pa ang ilang pasahero habang naipit ang iba pa kabilang si Ramos.

Naitakbo pa ang mga biktima sa magkahiwalay na pagamutan subalit hindi na naisalba pa ang driver na si Ramos.

Lumalabas na lasing umano ang nasabing babaeng driver na namatay sa aksidente nang maganap ang trahedya.

CARMONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with