^

Probinsiya

20-anyos bebot na-trap sa sunog, tepok

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - Namatay ang isang 20-anyos na babae matapos na ma-trapped sa nasunog nilang bahay sa Alpsville 3, Brgy. Ibabang Dupay ng lungsod na ito kahapon ng umaga.

Base sa ulat ni PLt. Col. Dennis De Guzman, chief of police dito, kinilala ang biktima na si Lea Bautista.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Lucena, sumiklab ang sunog sa bahay na ino­okupahan ng biktima dakong alas-10:12 ng umaga.

Mabilis din naman na naapula ng mga rumes­pondeng bumbero ang nasabing sunog kung kaya’t hindi na nadamay pa ang mga katabing bahay sa nasabing subdibisyon.

Sa clearing operations, natagpuan ang biktima sa loob ng kuwarto ng nasunog na bahay na hinihina­lang nag-panic kung kaya’t sa halip na lumabas ay nagkulong na lang hanggang sa tuluyang lumaki ang apoy at doon na inabot ng kamatayan.

Tinatayang aabot sa halagang P300k ang pinsala ng nasabing sunog na hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pinagmulan.

  

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with