^

Probinsiya

5 todas sa engkuwentro sa Bicol, 2 pa timbog!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
5 todas sa engkuwentro sa Bicol, 2 pa timbog!
Unang napaslang ang dalawang hindi pa nakikilalang kadre habang nahuli ang papatakas na si “Ka Gilbert” sa gitna ng palitan ng putok ng magkabilang panig sa bulubunduking lugar ng Brgy. Libertad, Cawayan, Masbate.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Madugong Huwebes at Biyernes Santo

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Limang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang bumulagta habang dalawa pa ang arestado matapos ang magkasunod na madugong engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng Philippine Army at komunistang grupo sa magkahiwalay na lugar sa Bicol nitong Huwebes at Biyernes Santo.

Unang napaslang ang dalawang hindi pa nakikilalang kadre habang nahuli ang papatakas na si “Ka Gilbert” sa gitna ng palitan ng putok ng magkabilang panig sa bulubunduking lugar ng Brgy. Libertad, Cawayan, Masbate.

Sa ulat ng 9th Infantry Division ng Philippine Army sa pangunguna ng commanding general na si Major Gen. Noe Alberto Penafiel, alas-5:45 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 2nd Infantry Division noong Huwebes sa Brgy. Libertad ng masalubong nila ang nasa 12-bilang ng NPA dahilan para magkapalitan ng putok na umabot ng ilang minuto hanggang bumulagta ang dalawa at mahuli si Ka Gilbert. Nabawi sa kanila ang dalawang piraso ng M16 armalite rifle, isang M14 rifle, mga bala, mga pampasabog o anti-personnel mine, anim na backpack na may mga personal na gamit at subersibong dokumento.

Samantala, dakong alas-5:30 ng umaga, umabot ng 10 minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo mula sa 42nd Infantry Battalion, at 10 kasapi ng NPA na nagsasagawa umano ng extortion activity sa mga residente sa bulubunduking lugar ng Brgy. Sagrada, Iriga City hanggang sa mapaslang ang tatlong hindi pa nakikilalang kadre at nahuli ang papatakas na si “Ka Henry”.

Isang M16 armalite rifle, isang M14 rifle at isang M4 rifle ang nabawi.

Sa pagkakahuli ay itinuro pa ni Ka Henry sa ‘di kalayuan ang itinago nilang tatlo pang mahahaba at matataas na kalibre ng baril, mga bala at personal na gamit ng mga komunista.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with