^

Probinsiya

Dyip papuntang outing bumaligtad: 17 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dyip papuntang outing bumaligtad: 17 sugatan
Sa report ng Bolinao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), tinangka ng driver ng jeepney na mag-overtake sa isang behikulo habang bumabagtas ito sa paibabang bahagi ng matarik na kalsada sa Brgy. Catuday dakong alas-5:17 ng hapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasa 17 katao ang sugatan makaraang aksidenteng tumaob ang isang pampasaherong jeepney na may lulang 25 kataong papunta sa outing sa isang beach resort sa Bolinao, Pangasinan nitong Biyernes Santo.

Sa report ng Bolinao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), tinangka ng driver ng jeepney na mag-overtake sa isang behikulo habang bumabagtas ito sa paibabang bahagi ng matarik na kalsada sa Brgy. Catuday dakong alas-5:17 ng hapon.

Ang mga pasahero na magkakamag-anak ay magpapalipas ng Semana Santa mula Biyernes Santo ng gabi hanggang Linggo ng Pagkabuhay sa Patar Beach Resort ng naturang bayan nang maganap ang trahedya.

Mabilis namang nagsagawa ng rescue operations ang Bolinao-MDRRMO at agad nilapatan ng first aid ang mga nasugatang pasahero.

Sa kabuuang 25 katao na lulan ng jeep, 17 ang nasugatan kabilang ang apat na nagtamo ng matin­ding pagkabali ng katawan na isinugod sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos City at Bolinao Community Hospital.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with