3 deboto sa Alay Lakad patungong Kamay ni Hesus Shrine, huli sa droga
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Tatlong indibidwal na nakilahok sa taunang Alay Lakad patungo sa Kamay ni Hesus Shrine sa Lucban, Quezon kaugnay sa pagdiriwang ng Biyernes Santo, ang nahuli sa magkakahiwalay na insidente dahil sa pagdadala ng hinihinalang marijuana at iba pang illegal na droga, ayon sa ulat ng Lucban Municipal Police kahapon.
Ang mga pagkahuli ay nangyari sa main gate ng nasabing shrine habang isinasagawa ang body search sa mga papasok na deboto.
Unang nahuli bandang alas-12:30 ng hatinggabi ang isang 18-anyos na estudyanteng babae na taga-Tayabas City. Nakumpiska sa kanya ang isang glass tube na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may timbang na 0.7 gramo.
Bandang alas-12:50 ng hatinggabi nang mahuli rin sa parehong lugar ang isang 21-taong gulang na estudyante na residente rin ng Tayabas City makaraang mahulihan ng isang glass tube na may hinihinalang tuyong dahon ng marijuana.
Dakong ala-1:05 ng madaling araw, isa pang 21-anyos na construction worker na taga-Lucena City, ang nahuli matapos makuhanan ng isang glass tube at apat na heat-sealed na plastic sachet na may kabuuang 3.74 gramo ng marijuana
- Latest