^

Probinsiya

Prusisyon inararo ng MPV: 3 tepok, 10 sugatan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Trahedya sa Semana Santa

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang paggunita ng Semana Santa nang masawi ng tatlong debotong Katoliko kabilang ang isang Lay Minister habang 10 pa ang nasugatan matapos araruin ng isang humahagibis na multi-purpose vehicle (MPV) ang isang prusisyon sa Bacolod City nitong Biyernes Santo ng gabi.

Sa ulat, dead-on-the-spot ang Lay Minister na si Jonelo Solano, 66-anyos, habang dead-on-arrival si Gelvin Cañete sa Corazon Montelibano Memorial Hospital, at binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas si Dynha Plohinog, nitong Sabado ng umaga.

Isinugod rin sa ospital ang 10 na sugatan kabilang ang dalawang pulis na nangangalaga sa seguridad ng prusisyon.

Sa report ni P/Colonel Joeresty Coronica, hepe ng Bacolod City Police, dakong alas-7:30 ng gabi, pabalik na sana sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Church ang prusisyon nang mangyari ang malagim na insidente sa Brgy. Alangilan.

Sinabi ni Coronica na isang tricycle ang sakay ng apat na parishioners, isa sa kanila ay hinimatay sa kasagsagan ng prusisyon nang biglang salpukin ng humahagibis na Toyota Innova na minamaneho ng Indian national na si Jag Pret Singh na umano’y nasa impluwensya ng alak kasama ang tatlong iba pa sa loob ng nasabing behikulo.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang tricycle na bumagsak sa isang police mobile car kung saan nahagip din ang isang Isuzu multicab jeepney bago tuluyang sinuwag ang mga debotong Katoliko na nagsasagawa ng prusisyon na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

Nahaharap si Singh sa kasong reckless imprudence resulting ing 3-counts of homicide at multiple physical injuries bunga ng insidente habang pinakawalan na nitong Biyernes ng gabi ang tatlo pa nitong kasamahan.

Isinailalim na rin si Singh sa alcohol confirmatory test sa Riverside Medical Center na sakaling magpositibo ay sasampahan ng karagdagang kasong paglabag sa Republic Act 1086 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2023.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with