^

Probinsiya

Barko lumubog: Chinese patay, 10 missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Barko lumubog: Chinese patay, 10 missing
Sa report, sinabi nitong Miyerkules ni Mary Jolence Soriano, hepe ng Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), patuloy ang paghahanap ng mga tauhan ng (PCG) sa 10 nawawalang tripulante.
Philippine Coast Guard / Facebook page

MANILA, Philippines — Patay ang isang Chinese national habang 14 ang nasagip at 10 pang tripulante ang nawawala makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang cargo vessel barkong pangkargamento sa karagatan ng Rizal, Occidental Mindoro noong Martes ng hapon.

Sa report, sinabi nitong Miyerkules ni Mary Jolence Soriano, hepe ng Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), patuloy ang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 10 nawawalang tripulante.

Ayon kay Soriano, idineklarang dead-on-arrival sa San Jose District Hospital ang Chinese national na inaalam pa ang pagkakakilanlan sa insidente.

Nasa 14 namang tripulante na nasagip sa lumubog na MV Hong Hai 16 ang isinugod sa pagamutan para sumailalim sa medical examination kabilang ang ilang mga nasugatan sa insidente.

Ang 10 nawawalang tripulante ay pinaniniwalaan namang na-trap sa loob ng barko na ngayo’y target ng search, rescue and retrieval operation ng PCG.

Nabatid pa na ang MV Hong Hai 16 ay inio-operate ng Keen Peak Corporation, base sa inisyal na report ng PCG Occidental Mindoro.

Sa imbestigasyon, ang nasabing cargo vessel na kargado ng mga buhangin ay may lulang 25 tripulante. Ang 14 na nasagip ay kinabibilangan ng anim na Pinoy at anim na Chinese.

Kabilang naman sa mga nawawala pa ay pitong tripulanteng Pinoy at tatlong Chinese.

“They could have been trapped in the engine room of the ship that remained “upright but partially submerged,” ayon sa PCG.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with