^

Probinsiya

7 parak timbog sa Kerwin Espinosa shooting

Doris Franche-Borja, Miriam G. Desacada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim sa restricted custody ng Leyte Police Provincial Office si Ormoc City director Col. Redante Ariza at anim iba pang pulis matapos silang maharang ng mga awtoridad sa Barangay Tinag-an, Albuera, Leyte, kasunod ng ginawang pamamaril kay mayoralty candidate Kerwin Espinosa, ang self confessed drug lord sa Eastern Visayas; sa kapatid nitong si Mariel at isang 10-anyos na batang babae sa kasagsagan ng kanilang kampanya para sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Sa isang pulong balitaan nitong Biyernes ng hapon, kinumpirma mismo sa local media ni Espinosa, 44-anyos, makaraang makaligtas sa pamamaril, na hawak na ng Leyte PPO ang pitong pulis na hinihinalang may kinalaman sa nasabing pamamaril.

Sinabi ni Espinosa na ang pitong pulis ay nagsisilbing mga “persons of interest”, nang makita ng mga residente may 100 metro ang layo mula sa crime scene.

Kinilala ni Espinosa, tumatakbo sa pagka-mayor sa Albuera, ang iba pang pulis na sina Lt. Col. Leonides Sydiongco Major Arvin Jose Baronda, Cpl. Jeffrey Dagoy, Sgt. Alen­xader Jay Reponte, Sgt., Alros Jade Astillas at Patrolman Maricor Espinosa.

Kinumpirma rin kahapon ni PNP spokesperson PBrig. Gen. Jean Fajardo na pitong pulis mula Ormoc City ang itinuturing na persons of interest sa nangyaring pamamaril kay Espinosa.

Ayon kay Fajardo, naabutan ang mga pulis sa isang compound kung saan umano nagmula ang putok ng baril.

Dagdag pa ni Fajardo, isang SUV ang mabilis na tumakas patungo sa compound matapos ang pamamaril at nang sundan ito ng mga awtoridad, tumambad sa kanila ang pitong armadong pulis.

Posible rin aniyang sniper ang ginamit sa pag-atake kay Espinosa dahil walang senyales nang malapitan na putok.

Nitong 2024, ang mga drug cases ni Espinosa na inihain sa Cebu at Manila ay naibasura ng korte dahil sa teknikalidad at kakulangan ng ebidensya.

Dahil sa tangkang pagpatay, sinabi ni Espinosa na hinigpitan na ang kanyang seguridad at sa buong slate nito.

ESPINOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with