‘Team Dasma’ proclamation rally, dinagsa
DASMARINAS CITY, Cavite, Philippines — Libu-libong Dasmarineño ang dumagsa sa isinagawang proclamation rally ng “Team Dasma” sa pangunguna ni Mayor Jennifer Austria Barzaga, sa City of Dasmariñas Grandstand, kamakalawa ng gabi.
Dumalo at nakiisa sa rally sina Senator Francis “Tol” Tolentino, kasama sina Governor Athena Tolentino, AGIMAT Partylist Representatives: Cong. Bryan Revilla, Agimat second nominee-Sam Panlilio, Ram Revilla na kumakandidato bilang bise gobernador ng lalawigan, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., at maybahay na si Rep. Lani Mercado-Revilla.
Nagpaunlak naman ng mensahe sa pamamagitan ng video si senatorial candidate Camille Villar, na hindi nakarating pero buo ang suporta sa Team Dasma.
Isa-isang nagbigay ng kani-kanilang mensahe ang buong Team Dasma at inilahad ang kanilang mga plataporma at pasasalamat sa pagsuportang ginagawa ng Dasmarineño.
Sa pahayag ni Mayor Jenny Barzaga, pagkakaisa at pagmamahalan ang kanilang puhunan upang mapanatili ang magandang samahan ng kanilang Team. Ipinamalas din ng Tem Dasma ang mga proyektong inilunsad, nagawa at sa lungsod ng Dasmariñas kung saan patuloy pa ang mga proyektong nakaplano para sa lungsod.
Bago matapos ang programa nakisaya rin at nagpaunlak ng mailkling concert ang sikat na singer-actress na si Gigi De Lana na mas kilala sa “Gigi Vibes”.
- Latest