^

Probinsiya

Bangka tumagilid, lumubog: 22 nasagip

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Bangka tumagilid, lumubog: 22 nasagip
Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ruben Lacuesta mula sa Polilio PNP, bandang ala-1:30 noong Marso 8, 2025 ay nailigtas ng mga mangingisda ang tatlong local tourist na nakitang palutang-lutang malapit sa Kukok island , Barangay Canicanian, Polilio, Quezon.
STAR/ FIle

Mga sakay, nag-umpukan sa kaliwa

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang 20 turista at dalawang crew ng isang motorized banca na lumubog sa gitna ng karagatan matapos silang pagtulung-tulungang i-rescue ng mga mangingisda, mga miyembro ng Bantay Dagat at mga miyembro ng Burdeos at Polilio Coast Guard sa karagatang sakop ng Barangay Canicanian, Polilio, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ruben Lacuesta mula sa Polilio PNP, bandang ala-1:30 noong Marso 8, 2025 ay nailigtas ng mga mangingisda ang tatlong local tourist na nakitang palutang-lutang malapit sa Kukok island , Barangay Canicanian, Polilio, Quezon.

Sa salaysay ng mga survivors, sakay sila ng isang motorized banca nang biglang lumubog sa karagatan dahil sa paggitgitan ng mga sakay sa isang bahagi na siyang hindi nagbalanse sa bangka malapit sa nasabing isla.

Ang 17 pa umanong kasamang mga turista ng tatlo at ang kapitan at crew ng bangka ay na-stranded sa buhanginan ng isla.

Dahil sa mabilis at sama-samang pagkilos ay na-rescue ang lahat ng sakay ng motorized banca at naibalik na dakong alas-4:30 ng hapon sa Phamana Beach Resort sa Barangay Kalubakis, Polilio Quezon kung saan silang lahat ay naka-check in.

Sa salaysay ng boat captain na si Rolly Valespin, paalis na sana sila sa buhanginan ng Kukok Island subalit ang mga turista ay nagpuntahan lahat sa ga­wing kaliwa ng motorized banca hanggang sa tumagilid ito at tuluyang lumubog. Isa-isa umano niyang tinulungan kasama ang isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Burdeos na nagkataong nangingisda noon, ang mga turista patungo sa ligtas at malambot na buhanginan.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with