^

Probinsiya

Kahera ng mall hinostage, suspek arestado!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Kahera ng mall hinostage, suspek arestado!
Kinilala ang biktima si Jeremy Morta, cashier-saleslady ng Asianic Gadget store na nasa loob ng mall sa Lipa City.
STAR/ File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang 25-anyos na cashier ang hinsotage ng isang lalaki na nagpanggap na kustomer sa loob ng isang kilalang mall sa tatlong oras na hostage drama sa Brgy. Lipa City, Batangas nitong Martes.

Kinilala ang biktima si Jeremy Morta, cashier-saleslady ng Asianic Gadget store na nasa loob ng mall sa Lipa City.

Si Morta ay agad na dinala ng mga awtoridad sa San Antonio Medical Center para sa atensyong medical matapos siyang ma-rescue.

Nasugatan sa rescue operation sa kanang kamay si Lt. Col. Rix Villareal, Lipa police chief, at dinala agad na sa Lipa Medix Medical Center.

Arestado naman ng pulisya ang hostage taker na si Alvin Bayta, 28-anyos, na sinampahan na ng kasong Serious Illegal Detention and Violation of Omnibus Election Code (Possession of Deadly Weapon).

Sa ulat ng Lipa City Police, nagsimula ang pangho-hostage sa biktima dakong alas-4:00 ng hapon at nagtapos ng alas-6:40 ng gabi sa loob ng mall sa Barangay Marawoy.

Sa imbestigasyon dumating si Bayta sa naturang store dakong alas-4 ng hapon at agad na dinamba si Morta sa braso sabay tutok ng isang matalim na bagay.

Nang maglakad ang suspek habang hawak ang biktima sa store at bumaba sa escalator, dito na nakakuha ng tiyempo ang grupo ni Villareal at dinakma ang hostage taker saka mabilis na dinisarmahan hanggang sa nasagip ang biktima bandang alas-6:40 ng gabi kamakalawa.

KAHERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with