^

Probinsiya

132 GP Partylist nasungkit 7th spot sa OCTA survey

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasungkit ng 132 GP (Galing sa Puso) Party­list ang 7th spot sa January 2025 OCTA Research Group survey. Nalagpasan nito ang iba’t iba at kilalang party­lists gamit ang kanilang makamasang legislative agenda at malawak na community engagement.

Ayon sa bagong Tugon ng Masa survey ng OCTA, nakakuha ang GP Partylist ng 3.43% vote share, na makasisigurado ng isang upuan sa House of Representatives sakaling ganapin ang eleksiyon sa loob ng survey period.

Ang GP Partylist ay ang partylist na inindorso ni senatorial aspirant Willie Revillame. Ang naturang party­list ay aktibong inaanunsiyo sa masa ang kanilang mga legislative priorities tulad ng pagtalakay sa isyu sa pagtaas ng presyo ng bilihin gamit ang “well-targeted” legislation, pagkampanya para sa wage increase ng mga manggagawa, paggaya sa rice-planting initiatives ng Nueva Ecija, at pagpapataas ng healthcare access para sa mga Pilipino.

Ipinaabot naman ni GP Partylist first nominee Atty. JP Padiernos ang kanyang pasasalamat para sa lumalaki at tumataas na suporta ng masa. Subalit idiniin pa rin niya na mananatili ang pokus nila sa kanilang misyon na makapagsilbi sa bayan.

“This is a great start and a motivating factor for us to push even harder in addressing the plight of the masses. However, much remains to be done, especially in Congress, to make real improvements in the lives of Filipinos both inside and outside the legislative sphere,” sabi ni Padiernos sa isang interbyu.

OCTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with