Criminology stude, 1 pa huli sa droga
NAGA CITY, Albay, Philippines — Walang kawala ang isang 19-anyos na estudyante ng kursong criminology at isa pang kasama na kapwa itinuturing na high value target (HVT) sa ginawang high impact operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakuhanan ng nasa P2.3 milyong halaga ng droga sa Zone 4, Brgy.Triangulo, Central Business District 2, Naga City, Camarines Sur kahapon ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Mark Joseph “Boy” Villaruel Baloso, estudyante, residente ng Brgy.La Purisima, Ocampo; at Joven Bruiz Geografo, 33, ng Brgy. Marila, Bulan, Sorsogon.
Sa ulat ng PDEA regional office 5 sa pangunguna ni regional director Roland Allan Ricardo, dakong ala-1 ng hapon katuwang ang mga ahente ng PDEA-Camarines Sur sa pangunguna ni Investigation Agent V Adrian Fajardo; PDEA Intelligence and Investigation Section, Regional Special Enforcement Team sa pangunguna nina IA Raul Noel Natividad at IA Jose Basilla lll, at PNP Drug Enforcement Unit ay inilatag ng PDEA National Special Enforcement Team-Luzon 2 na pinangungunahan naman ni Security Officer ll Rommel Estilon ang buy-bust operation laban sa dalawa. Mabilis silang inaresto nang magkaabutan ng biniling droga.
- Latest