^

Probinsiya

Hirit na bakuna vs ASF ng AGAP Partylist, inaksyunan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng samahan ng mga magbababoy partikular ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist sa mabilis pagtugon ng pamahalaan sa kanilang inilahad na mga suliranin at kahilingan nitong nagdaang Quinta Committee hearing sa Kamara na magkaroon na sana ng commercial use ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) na nakakaapekto sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay AGAP Party­list Rep. Nicanor “Nick” Briones na sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Martes na maaaring magkaroon na ng “go signal” ang commercial vaccination laban sa ASF sa Abril.

Aniya, sinabi ni DA Assist. Sec. Arnel de Mesa na target ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na unang linggo ng Abril ay posibleng mayroon nang commercial approval ang AVAC vaccine ng Vietnam.

Hinikayat ng AGAP Partylist ang pamahalaan na ilibre o isubsidize ang bakuna laban sa ASF para sa mga alagang baboy ng backyard hog raisers.

Binigyang-diin ni Rep. Briones na hindi kakayanin ng mga maliliit na magbababoy ang P12,500 kada bote ng AVAC vaccine na mayroong 50 doses.

“Mahalagang i-libre o i-subsidize ng gobyerno ang bakuna para sa mga ito,” ayon kay Briones. Aniya, kung hindi ito gagawin ng pamahalaan posibleng hindi na magpabakuna ang mga backyard raisers ng kanilang mga alagang baboy kaya’t namemeligrong kumalat pa rin ang ASF sa bansa.

Giit pa ng mambabatas, importanteng mabakunahan kaagad ang 6.3 milyon na piglets hanggang fatteners upang masugpo ang nasabing sakit.

Samantala, ipatutupad na ng DA ang maximum suggested retail price o MSRP para sa karne ng baboy ngayong Marso sa gitna ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.

Kaugnay nito, ipinanawagan ni Briones ang pagpapataw ng MSRP sa mga imported na karneng baboy na dapat unahin bago ang lokal na karneng baboy dahil kusa nang bababa ang presyo nito kung magiging 200/kg ang presyo ng imported na karneng baboy.

AGAP

ASF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with