^

Probinsiya

82-anyos lola ninakaw sa nitso, ni-rape!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
82-anyos lola ninakaw sa nitso, ni-rape!
Sto. Domingo, Albay, Philippines
Google Maps / Philstar.com screenshot

Kalilibing lang

STO. DOMINGO, Albay, Philippines — Karumal-dumal ang ginawa sa bangkay ng isang 82-anyos na lola na isang araw pa lang na naililibing matapos gibain ng isang suspek ang nitso nito saka hinugot ang ataul sa loob at hinatak ang bangkay na hinihina­lang ginahasa sa Catholic Cemetery sa Brgy.San Isidro, ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Galit at pagkalungkot ang nararamdaman ng buong pamilya ni “Lola Maria” sa paglapastangan sa bangkay nito na kalilibing lang noong Sabado.

Agad namang natukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek na residente ng naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga, nagulat ang sepultorero nang madiskubre nitong nasa ibaba at nasa labas na ng nitso ang ataul ni “Lola Maria” at wala na ang bangkay. Agad nitong ipinagbigay alam kay Brgy. Capt. Danilo Ballester at sa Sto. Domingo Municipal Police Station ang insidente.

Magkakasamang hinanap ng mga kaanak, opisyal ng barangay at mga pulis ang bangkay at natagpuan ito may 150-metro ang layo sa loob ng sementeryo. Nakadapa, marumi ang damit at may galos sa mukha ang bangkay na pinaniniwalaang sanhi ng pagkahahatak ng ‘di kilalang suspek.

Ang palaisipan pa ay natagpuan itong wala nang panty kaya hiniling na isailalim ang bangkay sa autopsy o pagsusuri upang makumpirma kung hinalay.

Wala naman umanong mga mamahaling gamit na isinabay sa paglibing sa lola ma­liban sa nawalang ilang piraso ng chocolate na posibleng kinuha ng salarin, isang rosaryo at iba pa.

Sa pamamagitan ng mga kopya ng CCTV camera ay natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Malinaw umanong nakita sa footage ang suspek na lulan ng motorsiklo at walang suot na helmet. Dumating at pumasok siya sa main gate ng sementeryo ng ala-1 ng madaling araw at lumabas din ng ala-1:29 ng madaling araw.

Sa panayam kay P/Captain Victor Borjal, hepe ng Sto. Domingo Municipal Police Station, agad nilang natunton ang bahay ng suspek makaraang maispatan ang motorsiklo nito na naka-park pa sa harap ng kanilang bahay.

Sa pagmamanman ay natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek nang makita siya ng mga pulis na hawig sa kuha ng CCTV.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with