^

Probinsiya

Lalaki nagbantang ilalabas sex video ng ex-GF, arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lalaki nagbantang ilalabas sex video ng ex-GF, arestado
Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Cyber Crime Act ang suspek na si “Vladymar”, binata at residente ng Barangay Tambayan Silangan, Catanauan, Quezon.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

LOPEZ, Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang 39-anyos na lalaki matapos na ireklamo ng pamba-blackmail ng kanyang dating kasintahang OFW kamakalawa ng gabi sa Barangay Bocboc sa bayang ito.

Kinasuhan ng paglabag sa Anti-Cyber Crime Act ang suspek na si “Vladymar”, binata at residente ng Barangay Tambayan Silangan, Catanauan, Quezon.

Ayon sa pulisya, tinatakot ng suspek ang biktimang si “Jovelyn “, 34,may asawa ng Mercedes, Camarines Norte na ikakalat ang mga hubad nitong larawan at umano’y sex video kapag hindi nakipagkita sa kanya.

Dahil sa takot ay pumayag ang biktima na makipagkita sa suspek sa Lopez, Quezon gayunman ay mabilis siyang nagsumbong sa Mercedes Police at pinagplanuhan ang gagawing pagdakip sa Nang magkita na ang dalawa sa kahabaan ng diversion road sa Barangay Bocboc, Lopez, Quezon bandang alas-6:50 ng gabi ay doon na inaresto ang suspek ng mga operatiba ng Lopez PNP, Camarines Norte Cyber Response team at 2nd PMFC Camarines Norte sa pamumuno ni PCapt. Edwin Mapula.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng suspek ang dalawang cellphones na may kasamang sim cards.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with