^

Probinsiya

Rider niratrat sa tapat ng bahay, todas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider niratrat sa tapat ng bahay, todas!
Dead-on-arrival na sa Taytay Emergency Hospital ang biktimang si John Paul Permacio, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Lumang Ilog, Brgy. San Juan, sa Taytay bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang paulanan ng bala ng ‘di kilalang salarin habang ipinaparada ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang tahanan sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival na sa Taytay Emergency Hospital ang biktimang si John Paul Permacio, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Lumang Ilog, Brgy. San Juan, sa Taytay bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Kauuwi lang umano ng biktima ng bahay at ipinaparada ang kanyang motorsiklo nang bigla na lang sumulpot ang suspek at kaagad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang matiyak na napuruhan ang target, mabilis na tumakas ang salarin, bitbit ang baril na ginamit sa krimen, habang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot pang buhay.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with