Dalaga dedo sa motor crash, 3 pa sugatan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dead-on-the-spot ang 22-anyos na dalagang backrider habang sugatan ang tatlong motorcycle rider matapos na aksidenteng magsalpukan sa Brgy. Dakila ng nasabing lungsod kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang nasawing back rider na si Jasmin Joy Carpio Flores, private employee, residente ng Brgy. Dampol, Plaridel.
Nasa kritikal na kondisyon naman dahil sa sugat sa ulo ang rider na si Ryan Enalpe, 36, steelman ng Brgy. Longos, Malolos habang nagtamo ng minor injuries ang dalawa pang rider na sina John Jervie Castro, 25, ng Brgy. San Pablo, Hagonoy at Michel Joe Malangis, 26 ng Sta Cruz, Paombong.
Sa report ng pulisya, alas-6:45 ng umaga nitong Lunes, habang binabagtas ng rider na si Ryan lulan ng Honda Wave motorcycle at John Jervie na minamaneho ang Honda TMX ang southbound lane sa McArthur highway, Brgy. Dakila habang ang nasa kabilang linya naman si Michel Joe at ang angkas na si Jasmin na kapwa sakay ng Euro Kiway motorcycle nang maganap ang banggaan.
Lumalabas na biglang kumabilang linya umano ang motorsiklong minamaneho ni Michel Joe hanggang sa aksidenteng nakasalpukan ang nabanggit na dalawang kasalubong na motorsiklo na agarang ikinamatay ng kanyang angkas na si Jasmin.
- Latest