^

Probinsiya

Doktora binaril sa sentido sa loob ng kotse!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Nobyo, ‘person of interest’

NAGA CITY, Albay, Philippines — Kalunos-lunos ang nangyari sa OB-gyne doctor ng Bicol Medical Center makaraang barilin sa sentido sa loob mismo ng isang kotse sa kahabaan ng Princeton Street, Monterey Village, Naga City, Camarines Sur hapon noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Dra. Rajean Monette Romualdez, 36-anyos, residente ng Singgalong, Maynila. Itinuturing na person of interest sa pamamaslang ay ang boyfriend nito.

Ayon sa ulat, alas-2:45 ng hapon ay nagulat ang napadaang residente nang makitang duguang nakahandusay ang biktima sa passenger seat sa unahang bahagi ng Toyota Vios na kotse na nakahimpil sa naturang lugar.

Sa paunang imbestigasyon ay may tama umano ito ng punglo mula sa pinaniniwalaang kalibre 45 baril sa kaliwang bahagi ng ulo.

Itinuturing na “person of interest” ay ang boyfriend ng biktima.

Sa kopya ng CCTV camera na nakuha ng mga kasapi ng Naga City Police Office, dakong ala-1:30 ng madaling araw ay lumabas ang magka­sintahan sa tinutuluyang apartment.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with