LPG tank sumabog, misis sugatan
CAVITE, Philippines — Inoobserbahan sa pagamutan ang isang misis makaraang masabugan ng LPG tank sa loob ng kanyang tahanan sa Don Gregorio Heights Subdivision, Brgy Sampaloc 2, Dasmariñas City kamakalawa ng gabi.
Nagtamo ng mga sunog sa mukha at katawan ang biktima na kinilala sa alyas “Olaleye”, residente ng Acacia St. ng nasabing subdivision.
Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi habang naghahanda na sa pagtulog ang biktima sa inuupahan nitong apartment nang biglang sumabog ang gamit nitong LPG tank sa kusina.
Sa lakas ng pagsabog, nayanig ang buong apartment at tumilapon ang biktima na agad na naitakbo sa UMC Hospital. Sa pagsisiyasat, lumalabas na depektibo ang hose line ng tangke na siyang dahilan ng pagsabog.
- Latest