ARTE Partylist arangkada sa Bulacan

MANILA, Philippines — Kasabay ng Araw ng mga Puso, isinagawa ng ARTE Partylist, numero 14 sa balota, ang pambungad na sigaw ng kanilang kampanya na tinawag na ‘Ka-torse ang Ka-pARTE, sa San Ildefonso, Bulacan.
Pinangunahan nina Lloyd Lee, unang nominado ng ARTE Partylist, at ng kanyang asawa na si Architect Shamcey Supsup-Lee, isang beauty queen at third-runner-up sa Miss Universe, ang motorcade at kampanya sa San Ildefonso.
Mainit na tinanggap ng mga tao sa San Ildefonso ang ARTE Partylist, na nagpasalamat din kina Mayor Fernando “Gazo” Galvez at Daisy Duran sa kanilang presensya.
Sa ilalim ng pampulitikang adhikain - “Boses ng Malikhaing Manggagawang Pilipino sa Kongreso,” isinulong ng ARTE party list ang interes ng Retail and Fashion, Textile and Tradition, Events, Entertainment, at ang Creative Sector.
Sinabi ni Lloyd Lee na sinusuportahan ng ARTE Partylist ang kapakanan ng mga artistang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa kapital na benepisyo, seguridad sa trabaho, at patas na kompensasyon sa kanilang serbisyo at produkto.
Paghusayan ang inobasyon at pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsuporta sa makabagong teknolohiya upang maiwasang malampasan ng ibang bansa ang mga lokal na industriya ng sining, kanyang binigyang-diing ito.
Kasabay nito, ang ARTE Partylist chapter sa Bicol region na binubuo ng ilang mga artista mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon ay lumahok sa Tinagba Festival sa Iriga City habang ipinapakilala nila ang partylist sa kanilang mga kababayan.
- Latest