^

Probinsiya

POGO hub nadiskubre sa Laguna: 3 Chinese timbog, 23 Pinoy nasagip!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Sinalakay ng pulisya ang ilegal na POGO hub sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna na ikinaaresto ng tatlong Chinese national habang 23 na empleyado ang nasagip, kamakalawa.

Sa order mission ng Bureau of Immigration (BI) at report na galing sa OLEA, nagkasa ng joint operation ang mga Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) RFU-4A sa pinamunuan ni P/Col Geovany Emerick Sibalo; Laguna PPO, Regional Intelligence Unit, RID4A, Calamba Police, Bureau of Immigration, Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) Cybercrime Unit at Department of Justice dakong alas-9 ng umaga sa Sitio Ilaya, Brgy. Lamesa, Calamba City kung saan nagsagawa sila ng inspection at operation hinggil sa diumano’y ilegal na POGO operations sa nasabing lugar. 

Ipinatupad rin ng BI ang Mission Order 2025-027 laban sa isang Chinese national na si Lou Wenguang .

Sa nasabing pagsalakay, positibong kasama sa POGO ang target ng BI at kasama pa ang dalawang Chinese national na sina alyas “Weng”, 34-anyos at alyas “Yuan”, 32-anyos, na dinakip .

Na-rescue naman sa operasyon ang 23 na Pilipinong nagtatrabaho sa kompanya na may pangalang Beauty Technologies Corp.

Sa isinagawang beripikasyon ng BPLO ng Calamba City, walang kaukulang Business Permit o mga legal na dokumento para mag-operate ang Beauty Technologies Corp.

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with