5.1 magnitude na lindol, tumama sa Masbate
CLAVERIA, Masbate, Philippines — Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang bayan ng Claveria, Masbate na naramdaman pa sa ilang mga lalawigan sa Kabikolan alas-8:28 kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology natukoy ang epi center ng lindol, tectonic in origin na may lalim na 10-kilometro sa distansya namang 28-kilometro sa southwest ng Claveria.
Sinabi ni Karren Garcia ng Phivolcs, ayon sa kanilang mga aparatus ay naramdaman din ang Intensity 3 sa Legazpi City, Intensity 2 sa Tabaco City sa Albay; Intensity 2 sa Masbate City at Milagros sa lalawigan ng Masbate; habang naramdaman naman ang Intensity 1 sa mga bayan ng Tinambac at Ragay kasama na ang Iriga City, lahat sa Camarines Sur; Batuan, Masbate; Gumaca at Mulanay sa lalawigan ng Quezon; at Bulusan, Sorsogon.
Wala namang nai-ulat na danyos gayunman nagbabala ang Phivolcs sa mga residente ng posibleng maliliit na aftershocks.
- Latest