Taklobo sa Quezon Province iniimbak na para sa conservation project
PAGBILAO, Quezon, Philippines — Nagsagawa ng pag-iimbak ng mga Taklobo o Giant Clams sa dagat ng Ibabang Polo, Pagbilao, Quezon bilang bahagi ng Giant Clam Conservation Project sa ilalim ng programang “Likas Kayang Hibasanan”.
Ito ay kasunod ng mga pag-aaral at obserbasyon sa Bolinao, Pangasinan kung saan nagmula ang mga Taklobo at kung paano mapoprotektahan ang mga Giant Clams.
Matatandaang pinangangambahan ang pagbaba ng populasyon ng “Taklobo” sa nasabing bayan dahil sa ilegal na pangingisda at pagbabago ng klima.
Samantala, layunin naman ng isinagawang aktibidad na pangalagaan at mapanatili ang populasyon ng nasabing yamang dagat.
- Latest