^

Probinsiya

Tatay, 2 bata patay sa salpukan ng tricycle vs truck

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlo ang nasawi, kabilang ang 2 bata, sa banggaan ng isang tricycle at truck sa Barangay Cogon sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong umaga ng Miyerkules.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Huwebes ng Zamboanga del Norte Provincial Police Office at ng Police Regional Office-9, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 32-anyos na tricycle driver na si Ronnie Acoymo Merafuentes, ang kanyang anak at pamangkin na parehong mga lalaking Grade 3 pupils sanhi ng aksidente.

Ayon kay Lt. Col. Edwin Duneceho Verson, chief of police sa Dipolog City, isa pang pamangkin ni Merafuentes na lalaking 14-anyos na estudyante, sakay din ng naturang tricycle, ang malubha ang kalagayan sanhi ng aksidente.

Ayon kay Verson, ihahatid sana ni Merafuentes sa paaralan ang mga menor-de-edad na sakay ng kanyang tricycle nang sila ay mabangga ng kasalubong na malaking truck na may lulang mga bagong motorsiklo na ihahatid sana sa mga dealers sa ibat-ibang lugar sa Dipolog City at mga karatig na bayan sa Zamboanga del Norte.

Ang driver ng truck na pag-aari ng Skygo Corporation sa Lapu-Lapu City sa Cebu na si Rolly John Madaiton Balalilhe, 37-anyos, ay boluntaryong sumuko sa mga pulis at mga barangay officials na nagresponde sa insidente, ngayon nasa kustodiya na ng Dipolog City Police Station.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with