^

Probinsiya

Demolisyon sa Silang ipinatigil ng mayor, 50 pamilya nasagip

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Mahigit 50 pamilya ang nasagip ng magiting na mayor ng Silang, Cavite matapos siyang mapasugod sa kasagsagan ng nagaganap na demolisyon habang nag-iiyakan ang mga kababaihan at mga bata at iutos nito na itigil ang paggiba sa mga kabahayan sa Bgy. Biga Uno nitong Biyernes.

Sa isang pulong balitaan, humarap sa bulwagan ng bayan nitong Lunes ang mga apektadong pamilya na pinamumunuan ni Warson Amagan, upang ipahayag ang kanilang pasasalamat at suporta kay Silang Mayor Edward “Ted” Carranza na dating Calabarzon police director at iba pang lokal na opisyal na tumulong sa kanila. 

Pinuri naman ni Jessa Peñaflor, isa sa mga apektadong residente na naging emosyonal, ang mabilis na aksyon at desisyon ng alkalde.

Sinabi ni Amagan na gusto nila ng hustisya sa ginawa sa kanilang mga tahanan na nagdulot din ng matinding trauma, partikular sa kanilang mga anak. Hindi pa umano nila nakikita ang taong nag-aangkin ng lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay. 

Pinabulaanan din nina Amagan, Peñaflor at iba pang pamilya ang mga akusasyon laban kay Carranza matapos lumabas ang “fake news” na ang alkalde umano ang nag-utos ng demolisyon.

“Wala pong kasalanan si Mayor Carranza, Siya po ang tumulong sa amin,” pagtatanggol ng mga pamilya sa alkalde. 

“Nakatanggap ako ng tawag mula sa Sangguniang Bayan Office na may demolition na nagaganap sa Bgy. Biga Uno, last Friday, pumunta agad ako at nakita ko na may backhoe at guards na naka-deploy. Umiiyak ang mga bata at babae dahil hinahalughog ang mga bahay nila. Kaya agad kong itinigil ang nagaganap na demolisyon. Nakita ko na may tatlong paglabag kasama na ang mga paglabag sa karapatang pantao,” pahayag ni Mayor Carranza. 

Tiniyak ni Carranza sa mga pamilya na hindi nila papayagan ang anumang pambu-bully at walang pang-aabuso na mang­yayari. Binalaan na rin niya ang lahat ng mga ­guwardiya, at sinabing walang dapat gibain hangga’t walang pinal na utos, at binanggit na ang mga apektadong pamilya ay walang lilipatan.

DEMOLITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with